TUGUEGARAO CITY-Hinimok ni Father Bernard Corpuz ang parish priest ng Saint Peter Metropolitan Cathedral ang publiko lalo na ang mga residente ng Tuguegarao na makiisa sa kanilang gagawing misa sa pamamagitan ng live streaming, ngayong araw, Agosto 30, 2020.

Ayon kay Fr. Corpuz, dahil nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ang lungsod, isang misa lamang ang gaganapin ngayong araw sa oras na alas nwebe ng umaga.

Aniya,ito ay bilang pagtalima sa ipinatutupad na MECQ protocols at bilang pag-iingat sa banta ng covid-19.

Kaugnay nito, umaasa ang pari na sa susunod na linggo ay muli nang bubuksan ang simbahan para sa mga parishioners dahil matatapos na ang 10-day MECQ sa Setyembre 4, 2020.

Tinig ni Father Bernard Corpuz

Samantala, hinikayat ni Fr. Corpuz ang publiko lalo na ang mga nakakaranas ng “depression” na magtungo lamang sa kanilang counseling area para magabayan at maiwasan na humantong sa pagpapakamatay dahil sa mga kinakaharap na problema.

-- ADVERTISEMENT --