Umaasa si ACT Teachers Party-List Rep. France Castro na magsisilbing eye-opener kay Education Secretary Sonny Angara ang lumabas sa isang pag-aaral na 62 percent ng high school teachers sa bansa ang nagtuturo ng mga asignatura na labas sa kanilang college specializations.
Sinabi ni Castro na dapat na magbigay-daan ito para sa Department of Education na mag-hire ng mas maraming guro na may specialization upang mabawasan ang teachers mismatch o nagtuturo ng subject na hindi naman niya expertise at hindi pata mapunan lang ang plantilla positions.
Ayon kay Castro, ang mga rason ng ganitong sitwasyon ay dahil sa kakulangan ng mga guro lalo na ang may specialization at maliit na sahod kaya pinipili ng ilang guro na mag-abroad.
Gayonman, sinabi ni Castro na kung sa pagsisikap ng DepEd at mabibigo pa rin na matugunan ang problema sa teachers mismatch, kailangan na magsagawa ng massive training ang DepEd.