Umaabot na sa 14 aspirants para sa 2025 polls bilang ang idineklarang “nuisance candidates.”

Ngayon ay marami ang nagagalit sa ibinigay sa kanila sa nasabing turing.

Kabilang sa 14 individuals na hindi tinatanggap ang turing sa kanila na “nuisance” ay si internet personality Norman Mangusin, na ginagamit ang pangalan na Francis Leo Marcos.

Pinayagan siya na tumakbo noong 2021 elections, subalit hinarang ng Comelec first division ang kanyang kandidatura para sa 2025 elections.

Sinabi ni Comelec chairman George Erwin Garcia na naghain si Mangusin ng motion for reconsideration para tutulan ang desisyon ng Comelec first division.

-- ADVERTISEMENT --

Naghain din ng kanilang motion for reconsideration sa Comelec en banc ang 13 iba pa na idineklara na nuisance candidates.

Ipinaliwanag ni Garcia na kung magdesisyon ang en banc na ibasura ang kanilang motions for reconsideration, maaari nila itong iakyat sa Supreme Court.

Kabuuang 183 individuals ang naghain ng kanilang intensiyon na tumakbo bilang Senador sa halalan sa susunod na taon.

Nitong nakalipas na buwan, sinabi ng Comelec na inaprubahan nila ang 66 senatorial aspirants.