
Pumanaw na ang Filipino folk singer na si Freddie Aguilar sa edad na 72.
Sinasabing namatay si Aguilar kaninang 1:30 ng madaling araw sa Philippine Heart Center.
Inulila niya ang kanyang asawa na si Jovie at kanyang mga anak.
Si Aguilar ay dating national executive vice president ng PFP.
Lalong nakilala si Aguilar sa rendition niya ng “Bayan Ko” at sa kanyang awitin na “Anak,” na nakapagbenta ng 33 million copies sa buong mundo at isinalin sa iba’t ibang lenguwahe.
Bukod sa “Anak,” ilan lamang sa mga pinasikat niyang kanta ang “Magdalena,” “Minamahal Kita,” at “Ipaglalaban Ko.”
Siya ay itinalaga bilang Presidential Adviser on Culture and the Arts ni dating Pangulong Rodrio Duterte at naging miyembro siya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).