Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12177, o ang Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel Act.
Nakasaad sa batas na magkakaloob ang pamahalaan ng free legal assistance sa militar at uniformed personnel sa criminal, civil, o administrative proceedings na mula sa sa pagpapatupad nila ng kanilang tungkulin.
Kasama din sa makikinabang sa batas ang mga retired at tinanggal na military at uniformed personnel kung nangyari sa panahon ng kanilang active duty ang mga kaso laban sa mga ito.
Nakasaad din sa batas na kasama sa free legal assistance ang legal representation sa civil, criminal, o administrative proceedings, legal advice o konsultasyon, paghahanda ng pleadings, motions, memoranda, at lahat ng legal forms at mga dokumento, at court fees at iba pang bayarin.