Binigyan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Nueva Ecija ng full scholarship program ang pamilya ni Mary Jane Veloso, na magbibigay-daan para maipagpatuloy ng kanyang mga anak at mga kamag-anak ang kanilang pag-aaral.
Ito ay makakatulong ng malaki kay Celia Veloso, ina ni Mary Jane, dahil maipagpapatuloy ng kanyang mga apo, sina Mark Darren, 16, at Mark Daniel, 22, na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Kaugnay nito, sinabi ni Alvin Yturralde, Director ng TESDA Nueva Ecija, ang scholarship ay hindi lamang para sa isang tao.
Ayon sa kanya, puwede din na bigyan ng training program silang magkakamag-anak, at maging ang kanilang mga kapitbahay, para mabuo ang isang batch at kayang isagawa ito sa kanilang mismong barangay.
Nagpasalamat naman si Ginang Veloso at mga anak ni Mary Jane sa ibinigay sa kanila na tulong.
Nagbigay din ang local government ng General Mamerto Natividad ng financial assistance sa pamilya Veloso.
Nangako din ang LGU na tutulungan nila si Mark Daniel na makakuha ng mas magandang trabaho.
Si Mark Daniel ay nagtatrabaho bilang truck driver ng isang pribado kumpanya sa Bulacan.