Nagsimula na ang funeral sa mga namatay sa sumabog na Jeju Air sa Muan, South Jeolla Province sa South Korea.

Ito ay matapos makumpleto ng mga awtoridad ang pagkilala sa lahat ng 179 na biktima.

Ang huling bahagi ng libing para sa isa sa mga biktima ay ginanap kahapon.

Ito ang unang libing na nakumpleto, na nagsimula noong Lunes, dahil hindi matindi ang kanyang naging pinsala kumpara sa ibang biktima.

Kahapon ay sinimulan ang funeral sa siyam na biktima, kung saan ang mga labi ng 21 biktima ay dinala na sa kanilang mga pamilya.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan ng mga opisyal ng South Korea na madadala ang mga labi ng 60 biktima sa kanilang mga pamilya ngayong araw na ito.

Sinimulan na rin ng mga awtoridad ang pagdadala sa mga gamit ng mga biktima sa kanilang mga pamilya.

Ang mga mobile phones na mahirap matukoy ang may-ari ay isasailalim sa forensic analysis na may pahintulot ang mga pamilya.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng South Korean government sa sanhi ng aksidente, kung saan sinusuri ang communications record mula sa mga piloto habang dadalhin ang black box mula sa eroplano sa US-based experts para sa analysis.