BAUKO PNP

Nadiskubre ng militar ang isang abandonadong kampo ng New Peoples Army (NPA) sa tri-boundary ng Bantey, Tadian; Banguitan Besao; at Balintaugan, Bauko sa Mountain Province.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PLT Bea Pulao, tagapagsalita ng PNP-Mt Province na nadatnan ng mga otoridad ang mga iniwang gamit pandigma ng rebeldeng grupo.

Kabilang sa mga narekober ang isang anti-personnel explosives mine, 40 piraso ng stick dynamite, isang mine container na may detonating cord at 7 meters na wire, libro na may markings na Batayang Kurso ng Partido, 20 fox holes o mga taguan, blue plastic drum na naglalaman ng 20 kilos ng bigas at isang gallon ng asin; at mga personal na gamit.

Ayon kay Pulao, agad namang ipinasakamay ang mga pampasabog sa Provincial EOD Canine Unit (PECU) habang ang mga personal na gamit ay isinasailalim na sa imbestigasyon.