Tuloy-tuloy ang pag-eensayo ng mga gymnast ng Pilipinas na sasabak sa Paris Olympics.

Ilang araw bago ang pinakamalaking turneyo sa buong mundo, sinamahan ni Gymanstics Association of the Philippines(GAP) President Ms. Cynthia Carrion ang mga Pinoy gymnast sa kanilang training session.

Hindi lamang nanuod ang opisyal kungdi sinamahan din nito ang mga bagitong manlalaro sa kanilang stretching, conditioning, at training.

Ang contingent ng Pilipinas sa naturang sports ay binubuo ng apat na mga bata-batang atleta.

Kinabibilangan ito nina Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Ruivivar, at Emma Malabuyo

-- ADVERTISEMENT --