Pinadadakip na ng korte si dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma at apat na iba pa.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuaño.

Ani Tuaño, ipinaaresto si Garma ng National Capital Region-Regional Trial Court (RTC) Mandaluyong City Branch 279 dahil sa kasong murder dahil sa pagpatay kay PCSO Board Secretary Wesley Barayuga at frustrated murder bunsod ng pamamaril sa Mandaluyong noong July 2020.

Maliban kay Garma pinaaresto rin ng korte sina:

– Edilberto Dela Cruz Leonardo
-Jeremy Zapata Causapin alias a.k.a. “TOKS”
-Santie Fuentes Mendoza at
-Nelson Enriquez Mariano

-- ADVERTISEMENT --

Walang namang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspek.

Nabatid na huling na-monitor ng mga awtoridad na pumunta ng Malaysia si Garma.

Samantala, sinabi ni Tuaño na natanggap na ng Mandaluyong court ang utos na pag-aresto kanila Garma.