Magpapatupad ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis bukas.
Sa abiso ng Seaoil, CleanFuel, Petro Gazz, at Shell Pilipinas, tataas ng P1.10 ang gasolina habang 20 centavos naman sa diesel.
Wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene.
Ang oil price increase ay kasunod ng dalawang linggo na pagpapatupad ng malaking oil price rollbacks sa langis.
Iniugnay ni Romero ang oil price hike sa maraming external factors sa agresibong interest rate cut ng US Fed Reserves at ang kaguluhan sa Middle East.
-- ADVERTISEMENT --