Nilinaw ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi kailangang humingi ng permiso o mag-abiso sa Senado ang mga senador na bibiyahe sa ibang bansa para sa personal na lakad.

Ito ang pahayag ni Gatchalian matapos kumpirmahin ng Bureau of Immigration na bumiyahe sa ibang bansa sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano.

Ayon kay Gatchalian, hindi rin kailangang mag-file ng leave of absence ang mga senador kung personal ang kanilang biyahe.

Kailangan lamang ng pahintulot ng Senado kung official business ang kanilang paglalakbay, lalo na kung sagot ng institusyon ang mga gastusin tulad ng pamasahe, hotel at staff.

Sinang-ayunan naman ito ni Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III, na nagsabing hindi obligadong humingi ng permiso ang mga senador para makaalis ng bansa kung personal ang kanilang biyahe.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na wala siyang nakikitang problema sa pagbiyahe ng magkapatid na Cayetano, habang sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nasa ibang bansa ang mga ito para sa health reasons.

Samantala, sinabi ng Bureau of Immigration na walang hold departure order o anumang derogatory record laban sa dalawang senador na makapipigil sa kanilang pag-alis ng bansa.