Habang patuloy na dumadami ang mga banta at panlilinlang sa internet dulot ng digitalisasyon, binigyang-diin ng pinakamalaking finance super app at ecosystem sa Pilipinas, ang GCash, ang mahalagang papel ng online literacy sa lipunan.
Bilang isang pinagkakatiwalaang financial partner ng mga Pilipino, ipinahayag ng GCash ang kanilang suporta sa kamakailang 2024 Social Good Summit, na tumutok sa laban kontra disinformation at maling paggamit ng artificial intelligence (AI) sa panahon ng halalan.
Sa breakout session na “Protecting Information Integrity and Truth Tellers Amid Elections,” itinala ni Ingrid Beroña, Chief Risk Officer ng GCash, ang dedikasyon ng kumpanya sa proteksyon ng mga mamimili, at binigyang-diin ang kanilang multi-faceted na approach, kabilang ang pagpapalakas ng mga hakbang sa seguridad, pagbibigay kapangyarihan sa mga customer sa pamamagitan ng edukasyon, at paggawa ng mga estratehikong partnership.
Ang pag-asa sa mga digital financial platforms ay nangangailangan ng matibay na mga hakbang sa seguridad, lalo na sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng online fraud.