Nanindigan ang GCash na nananatiling ligtas ang impormasyon ng kanilang mga users.

Unang ini-ulat ng cybersecurity advocacy group na Deep Web Konek ang post na nagmula sa isang user na ‘Oversleep8351’ kung saan ay kine-claim niyang mayroon siyang hawak na data ng pito hanggang walong milyong users ng GCash.

Ibinebenta raw ito sa isang forum sa dark web.

Sakop nito ang mga Know Your Customer information, address, valid IDs, at mga naka-link na bank accounts.

Sa isang statement, idiniin ng GCash na walang ebidensyang nagpapakita na nagka-breach sa kanilang sistema.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi rin umano nagma-match ang kine-claim na dataset — mula sa kanilang database kaya malabong sa sa kanila ito nanggaling.

Sa ngayon, tuluy-tuloy din umano ang knailang koordinasyon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Privacy Commission (NPC), at sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Maaalalang pinaimbestigahan ng NPC ang naturang alegasyon at sinabing mananagot ang GCash sakaling totong nagka-data breach.