Pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na italaga sa isang government position si Police General Nicolas Torre III kasunod ng biglaang pagkakatanggal sa kanya bilang hepe ng Philippine National Police.

Sinabi ito ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa isang pulong balitaan.

Ayon kay Remulla, malalaman sa susunod na mga araw kung tatanggapin ni Torre ang ibibigay sa kanya na posisyon sa pamahalaan.

Tumangging magbigay ng detalye si Remulla sa posisyon na posibleng ibigay kay Torre.

Ayon sa kanya, mas mabuting hintayin na lamang na si Pangulong Marcos ang magsasabi kung ano ang iaalok na posisyon kay Torre.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, agad na umupo si Lt. Gen. Jose Nartatez Jr. bilang bagong PNP chief.

Sinabi ni Remulla na ang desisyon na palitan si Torre ay hindi naging madali subalit hindi na siya nagbigay ng detalye sa nasabing usapin.