Wagi ang Gilas Pilipinas sa naging laban nito sa FIBA 2025 FIBA Women’s Asia Cup.

Ito ay matapos mapatumba ng mga pambato ng bansa ang Lebanon sa Shenzen Sports Center sa China.

Sa pagtatapos ng unang quarter, naitala sa 29-12 ang score.

Ibig sabihin, agad na nakalamang ng 17-points ang Gilas.

Pagsapit ng second quarter, nakahabol ang Lebanon sa score na 41-37.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpatuloy pa ang pag-arangkada ng kabilang kupunan, kaya naman umabante na ito sa Pilipinas sa ikatlong quarter ng laban sa score na 55-57.

Sa kabila nito, nagpakita ng buong determinasyon ang Gilas kaya nakabawi rin ito sa huling quarter ng laban.

Tinapos nito ang laro sa score ng 73-70.

Dahil dito, hindi lang sila mananatili sa Division A, kung ‘di na-secure na rin nito ang puwesto sa 2026 Women’s Asia Cup Qualifiers.

Ilan sa nagpakawala ng puntos para sa kanilang pagkapanalo ay sina Naomi Panganiban na may 15 points; Jack Animam na may 14-points; at sina Sumayah Sugapong, Vanessa de Jesus, at Kacey Dela Rosa na may nai-contribute na hindi bababa sa 10 puntos.