Tinalo ng Gilas Pilipnas ang New Zealand 93-89 sa 2nd window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Ito ang unang pagkakataon na tinalo ng Pilipinas ang New Zealand sa laban na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Dumaan sa 16-0 run ang Gilas para mabaligtad ang apat na puntos na kalamangan ng Tall Blacks at makuha nila ang 72-60 na kalamangan sa third quarter.
Bumida sa panalo ng Gilas si Justin Brownlee na nagtala ng 26 points, 11 rebounds at apat na assists habang mayroong 19 points, 10 rebounds at pitong assists si Kai Sotto.
Dahil sa panalo ay nananatiling wala pa ring talo ang Gilas 3-0 win-loss record sa Group B.
Sunod na makakaharap ng Gilas ang koponan ng Hongkong bukas.
Sakaling manalo ang Gilas, tiyak na ang kanilang pagpasok sa Asia Cup sa gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia.
Una rito, tinalo ng Chinese-Taipei ang Hong Kong sa score na 85-55.