Kulong ang isang ginang na taga- Taguig City matapos siyang ireklamo ng ilang negosyante sa lungsod ng Tuguegarao dahil sa pagbili ng kanilang produkto gamit ang mga pekeng pera.

Kinilala ang suspek na si Hasnaira Haslim, 34-anyos.

Madaling araw nitong Linggo ng bumili ang suspek ng saging, munggo, bibingka at gulay sa apat na tindera sa Don Domingo Public Market, gamit ang pekeng P1,000 at P500 peso bill.

Matapos suklian ay napansin ng mga ito na peke pala ang perang ibinayad sa kanila ng suspek na kaagad ipinahuli sa nagbabantay na pulis sa pamilihan.

Sinampahan na ang ginang ng kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code at BSP circular dahil sa illegal na pagmamay-ari ng paggamit ng mga pekeng pera na may piyansang P144,000.

-- ADVERTISEMENT --

—with reports from Bombo Efren Reyes, Jr.