TUGUEGARAO CITY-Pulitika at away sa lupa ang titignang anggulo ng mga otoridad kaugnay sa pagpatay sa isang ginang sa Gonzaga,Cagayan.

Sinabi ni Police Staff Sgt. Loreto Verzon ng PNP Gonzaga,sa kanilang imbestigasyon,kilala umano ang biktima na si Vilma Quilala,dating isang guro sa pribadong eskwelahan na supporter umano ng natalong mayoralty candidate sa nasabing bayan.

Batay sa pangyayari,sinabi ni Verzon na pauwi na ang biktima kasama ang kanyang anak mula sa coronotion night sa Brngy.Mamunit nang biglang sumlpot ang isang lalaki at siya ay pinagbabaril.

Sinabi ni Verzon na habang tumatakas ang suspek ay nagpaputok pa umano ito ng baril at sakay sumakay sa naghihintay na sasakyan sa madilim na bahagi ng kalsada.

Dead on the spot ang biktima dahil sa tinamo nitong dalawang tama ng baril sa kanyang mukha.

-- ADVERTISEMENT --