Maaaring lumampas sa 1.5 degrees Celsius ang pagtaas ng global temperature sa loob lamang ng ilang taon, ayon sa United Nations Environment Programme o UNEP.

Babala ng UNEP, ang patuloy na pag-init ng mundo ay magdudulot ng mas matitinding extreme weather events at dagdag na panganib sa ecosystems, glaciers at mga lungsod na nasa mabababang coastal areas.

Ayon sa ulat, posibleng umabot sa 1.8°C ang pinakamababang inaasahang peak ng global warming kung maisasakatuparan ang mga kasalukuyang climate pledges ng mga bansa. Sa ilalim naman ng kasalukuyang mga polisiya, maaaring umabot sa 2.6°C ang median global warming pagsapit ng 2100.

Iginiit ng UNEP na kailangan ang mabilisang pagbawas sa greenhouse gas emissions at pag-alis ng carbon dioxide sa atmospera upang mapababa ang epekto ng climate change.

-- ADVERTISEMENT --