Lumakas si Gorio bilang isang bagyo ngayong umaga.
Inaasahang mapapanatili nito ang kanyang lakas bago tumama ang sentro nito sa katimugang bahagi ng Taiwan.
Ang Lokasyon ng sentro ng bagyo ay nasa 745 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 120 km/h at pagbugso na 150 km/h.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 25 km/h.
Kung pagbabasehan ang distansya ng sentro ng bagyo at sa kalupaan ng bansa, nananatiling malayo ito kaya’t hindi ito inaasahang makakaapekto sa alinmang bahagi ng bansa ngayong araw ng Martes.
Patuloy na gagalaw pa-Kanluran hanggang sa pa-Kanluran, hilagang-kanluran ang bagyo.
Inaasahan ng mga weather models ang pagtama nito posible sa sentro o sa katimugang bahagi ng Taiwan bago inaasahan ang huling pagtama nito sa bansang Tsina at hihina na rin kalaunan.
Nananatili pa rin ang tiyansa ng pagtataas mg WIND SIGNAL NO.1 sa Extreme Northern Luzon sa oras na nasa bahagi na ito ng Taiwan.