Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Gorio kaninang alas-11:20 ng gabi nitong Linggo, Agosto 10, 2025.

Kaninang alas-11 ng gabi, batay sa Tropical Cyclone Advisory No. 6 na inilabas ng bureau, bahagyang humina ang Severe Tropical Storm Podul habang patuloy itong kumikilos pakanluran.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,875 km East ng Extreme Northern Luzon sa labas Philippine Area of Responsibility, taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 135 km/h.

May central pressure itong 990 hPa at kumikilos pakanluran sa bilis na 15 km/h.

Ayon sa ahensya, maliit ang posibilidad na direktang makaapekto si Podul sa lagay ng panahon at kondisyon ng dagat sa bansa sa susunod na limang araw.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang tutungo ito sa direksyong pakanluran hanggang Martes, Agosto 12, bago kumilos pa-hilagang-kanluran hanggang sa pagtatapos ng forecast period.

Pinapayuhan ang publiko at ang disaster risk reduction and management offices na patuloy na mag-monitor sa mga susunod na abiso kaugnay ng bagyong Podul.