Nagpapagaling ngayon sa Cagayan Valley Medical Center sina Cagayan Governor Manuel Mamba at asawa nitong si Atty Mabel matapos na magpositibo sa COVID-19.

Sa kanyang video message, kinumpirma ni Mamba na positibo silang mag-asawa batay sa resulta ng kanilang RT-PCR o swab test na lumabas nitong Sabado, Enero-15.

Kapwa nakararanas ng mild symptoms ang mag-asawa, subalit minarapat pa rin ng mga ito na magpa-confine sa CVMC dahil sa kanilang co-morbidities tulad ng hypertension at diabetes.

Sa kabila nito, tiniyak ni Mamba na magpapatuloy ang operasyon at paglilingkod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan habang umapela ito ng pang-unawa sa mga nagpapa-abot ng mensahe sa “I-text mo kay Gob” kung hindi nito nasasagot dahil kailangan nito ng pahinga.

Nanawagan din ang gobernador sa mga posibleng may-exposure sa kanila na magpasuri.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi naman tinukoy ng gobernador kung paano sila nahawa ng sakit na aktibong gumaganap sa tungkulin.