TUGUEGARAO CITY- Umapela si Governor Manuel Mamba ng Cagayan sa Regional Inter-Agency Task Force na huwag muna ilagay sa Modified General Community Quaerantine ang Cagayan simula bukas, July 1, 2020.

Reaksion ito ni Mamba sa mungkahi ni RIATF Head Dante Balao, director ng Office of the Civil Defense Region 2 sa IATF na ilagay na sa MGCQ ang region 2.

Sinabi ni Mamba na bagamat wala namang local transmission ng mga umuuwing Cagayano na nagpopositibo sa covid-19 ay mahalaga pa rin ang monitoring sa mga ito.

Bukod dito, sinabi niya na dapat na mapigilan pa rin ang paglabas ng mga menor de edad upang matiyak na hindi sila mahahawaan ng sakit.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila nito, sinabi ni Mamba na hindi sususpindihin ang pagsundo sa mga Cagayano na gusto nang umuwi ng lalawigan sa kabila na asahan na may magpopositibo sa mga ito sa virus.

Ayon sa kanya, maayos naman na namomonitor ang mga ito upang matiyak na hindi sila makahawa kung sakaling mayroon silang covid-19.