ctto

TUGUEGARAO CITY-Dismayado si Cagayan Governor Manuel Mamba sa Sanguniang Panlalawigan sa hindi pagpasa sa provincial budget sa tamang oras na makakatulong sana sa bawat cagayano.

Ayon kay Gov. Mamba, sakabila ng naranasang mga kalamidad tulad ng bagyo maging ang malawakang pagbaha ay hindi pa rin nagawa ng legislative na ipasa ang pondo na nagkakahalaga ng mahigit tatlong bilyong piso.

Aniya, dapat ay ginawa ng bise gobernador ang kanyang tungkulin para maipasa ang budget sa tamang panahon kung saan paulit-ulit lamang umanong itong nangyayari sa loob ng limang taon.

Tinig ni Gov. Manuel Mamba

Samantala, sa naging panayam kay Vice Governor Melvin “Boy” Vargas, asahan umano na nitong buwan ng Enero ay maipapasa na ang pondo ng probinsya.

Ayon kay Vice Governor Melvin “Boy” Vargas, kasalukuyan na nilang pina-finalize ang draft ng pondo at pinag-aaralan ang iba pang suhestyon ng mga miembro ng sangunaing panlalawigan.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag ni Vargas, kailangan niyang bigyan ng karapatan ang bawat miembro ng SP na pakinggan ang kanilang rekomendasyon at idea para sa pagpasa ng pondo.

Sinabi ni Vargas na bagamat siya ang Chairman ng committee on finance and appropriations, hindi ibig sabihin na siya lamang ang mag-aapruba at magdedesisyon sa pondo ng probinsya.

Tiniyak naman ni Vargas na ginagawa ng bawat miembro ng SP ang kanilang tungkulin para maayos na pagpasa sa pinakahihintay na provincial budget.

Tinig ni Vice Governor Melvin “Boy” Vargas

Iginiit pa ni Vargas na hindi ito ang panahon para magsisihan at makipag-away sa halip ay kailangan ipakita ang sinseridad at pagpapakumbaba bilang isang lider ng Cagayan para maiangat ang probinsya at matulungan ang bawat Cagayano.

Tinig ni Vice Governor Melvin “Boy” Vargas