TUGUEGARAO CITY- Hinikayat ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan ang mga empleado ng kapitolyo at maging ang mga ordinaryong mamamayan na miembro ng New People’s Army at mga progresibong grupo na umalis sa mga nasabing grupo.

Sinabi ni Mamba na ito ay dahil sa walang mapapala ang mga ito sa pagiging miembro ng makakaliwang pangkat.

Kasabay nito, nangako si Mamba na handa ang pamahalaang panlalawigan na tulungan ang mga ito na mabigyan ng trabaho bastat kualipikado ang mga ito.

Tinukoy niya ang 21 rebel returnees na nabigyan ng trabaho sa pamahalaang panlalawigan.

Binigyan diin ni Mamba na sa pamamagitan nito ay makakatulong ang bawat isa para malabanan ang insurgency sa ating lalawigan sa maging sa buong bansa.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Mamba

Samantala, isiniwalat ni Mamba na may mga guro umano sa Rizal, Cagayan ang inoobliga ng makakaliwang pangkat na magbigay ng P200 kada buwan.

Bukod dito, kinikikilan din umano ng mga ito ang mga magtutubo at ilang construction company kung saan 4 percent umano sa presyo ng proyekto ang kanilang hinihingi.