Nanindigan si Cagayan Gov. Manuel Mamba na dapat muling palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa halip na Modified ECQ na nakasaad sa ipinadalang kahilingan ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF.
Sinabi nito na mataas pa rin ang bilang ng mga active cases sa lungsod kaya’t dapat na higpitan at huwang ipagwalang bahala ang kalusugan ng publiko.
Saad ng Gobernador, isa sa nakikitang dahilan ng mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa virus aydahil sa maraming naka-home quarantine kung saan umabot na ito ng 350.
Kaugnay nito ay pabor din si Mamba na isailalim sa granular lockdown ang lahat ng mga barangay sa probinsya na nasa high risk.
Sa ngayon ay umiiral pa rin ang ECQ habang hinihintay ang pinal na desisyon ng RIATF sa kahilingan ng lungsod na babaan ang quarantine classification nito.