TUGUEGARAO CITY- Makikipag-ugnayan umano si Governor Manuel Mamba sa mga mayors, governors at law enforcement agencies kaugnay sa kampanya laban a kriminalidad at insurgency.
Sinabi ni Mamba na ito ay upang matugunan niya ang kanyang bagong tungkulin bilang chairman ng Peace and Order Regional Council sa Cagayan Valley.
Gayonman, sinabi ni Mamba na ang pinaka-epektibo para malabanan ang communist armed conflict ay ang pagpapatupad ng wholistic approach.
Ayon sa kanya, ito ay sa pamamagitan ng paghahatid ng maganda at makatotohanang serbisyo sa mga mamamayan.
Bukod dito, sinabi niya na bukas din ang pamahalaan sa mga rebelde na nagnanais na magbalik loob kung saan ay mabibigyan aniya sila ng kaukulang tulong para sa kanilang pagbabagong buhay.
-- ADVERTISEMENT --