TUGUEGARAO CITY- Wala umanong objection si Cagayan Governor Manuel Mamba sa pahayag ng IATF na isailalim sa MECQ ang buong lalawigan.
Una rito, ipinadala ng IATF ang kanilang data analysis sa mga kaso ng covid-19 kung saan isa ang Cagayan sa LGUs sa Region 2 ang maituturing na high risk areas.
Dahil dito, sinabi ng IATF na isasailalim sa MECQ ang Cagayan simula May 10 hanggang 23 mula sa GCQ.
Sinabi ni Mamba na wala siyang tutol dito dahil kailagan din ito upang maipatupad ang mga mas mahigpit na mga patakaran laban sa covid-19.
Ayon sa kanya, patuloy na tumataas ang kaso ng covid-19 dahil sa pinaluwag na travel at community restrictions lalo dito sa lungsod ng Tuguegarao na muling pinalawig ang MECQ.
Ang Cagayan ay nakapagtala na ng 9,643 kabuuang COVID-case; 7, 626 na ang recoveries at 174 ang covid-19 related deaths.
Sa nasabing bilang, pinakamarami ang mula sa Tuguegarao City.