Tiniyak ni Cagayan Governor Manuel Mamba na mare-regular sa kanilang trabaho ang mga quarry checker sa lalawigan bago matapos ang kanyang termino.
Inihayag ni Edwin Jesus Buendia, Jr., tagapamahala ng quarry operation na ipinangako ni Mamba ang regularisasyon ng halos isan-daang ‘bantay quarry’ checker na maituturing na buwis-buhay ang trabaho.
Bagamat hindi kalakihan ang salary grade, sinabi ni Buendia na malaking tulong sa mga checker na ma-permanente sa kanilang trabaho at maibigay ng maayos ang kanilang kompensasyon.
Matatandaan na sinabi ni Buendia na may mga kaso pa rin ng harassment sa mga quarry checkers sa lalawigan.