TUGUEGARAO CITY-Umapela si Cagayan Governor Manuel mamba sa mga empleyado ng Provincial Government na huwag masangkot sa illegal na pagsusugal.
Pahayag ito ng gobernador matapos mahuli ang ilang opisyal kabilang ang isang bise alkalde, councilor , pulis at kawani ng DA-Region 02 na nagsusugal sa lungsod ng Tuguegarao.
Ayon kay Mamba, dapat ang mga nasa pamahalaan ang manguna sa paglaban sa illegal na aktibidad lalo na ngayong panahon ng pandemic na dulot ng covid-19.
Aniya, kailangang isantabi ang mga bisyo tulad ng pagsusugal para sa proteksyon ng karamihan laban sa virus.
Sinabi ni Mamba na hindi naoobserba ang social distancing sa pagsusugal at maaring magkahawaan kung sakali na carrier ang kanilang kasama na maaring sanhi ng pagdami ng kaso ng covid-19.
Samantala, pinuri ni Mamba ang mga frontliners at ang publiko dahil sa ipinapakitang dedikasyon at kooperasyon sa paglaban sa nakakamatay na virus na covid-19.