Governor Ferdinand Tubban

TUGUEGARAO CITY- Kinumpirma ni Dionica Alyssa Mercado, information officer ng pamahalaang panlalawigan ng Kalinga na nagpositibo sa covid-19 si Governor Ferdinand Tubban.

Sinabi ni Mercado na lumabas ang resulta ng swab test ni Governor Tubban kaninang umaga lamang.

Ayon kay Mercado, nagsasagawa na sila ng contact tracing sa mga hight risk na close contact ng gobernador para sa kaukulang aksion.

Gayonman, sinabi ni Mercado na agad na sumailalim sa quarantine si Tubban sa Kalinga Provincial Hospital ng siya ay makuhanan ng swab test.

Tinig ni Dionica Alyssa Mercado

Samantala, sinabi ni Mercado na nasa ilalim pa rin ng Enhanced Community Quarantine ang Tabuk City, Kalinga matapos na palawigin ito ng pitong araw na magtatapos sa Pebrero 15..

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay dahil sa nitong nakalipas na dalawang linggo ay dumami ang mga nagpositibo sa covid-19.

Dahil dito, sinabi ni Mercado na kanselado na rin ang mga aktibidad para sa Kalinga Day sa Pebrero 14.

Kaugnay nito, sinabi ni Mercado na sa ngayon ay 409 ang active cases ng covid-19 sa Kalinga bagamat hindi pa kasama dito ang mga bagong kaso.

Sa kabuuan, nakapagtala na ang kalinga ng 1,530 cases, 1,110 ang nakarecover at 11 ang covid-19 related deaths.