TUGUEGARAO CITY-Idineklara ni Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao City na half day na ang pasok ng lahat ng mga government employees sa lungsod ngayong araw.

Mamayang 1:00 pm ay wala nang pasok ang mga empleyado upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito dahil sa nagbabantang pananalasa ng bagyong “Ramon”.

Idinagdag pa ni Soriano na ito ay upang mabigyan din ng pagkakataon ang mga empleyado na makauwi sa kanilang lugar at makapaghanda para sa bagyo.

Kasabay nito ay hinikayat ni Soriano ang mga private employer na magpatupad ng katulad na hakbang.

Sa Tuguegarao City matatagpuan ang regional offices ng mga government agencies.

-- ADVERTISEMENT --

Unang idineklara ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan na walang pasok ang mga empleyado ng kapitolyo mamayang hapon maliban sa mga frontliners sa panahon ng kalamidad.

Kaugnay nito, sinabi ni Mamba na umaanot na sa 123 families o mahigit sa 400 individuals ang isinailalim sa forced avacuation sa mga bayan ng Sta.Praxedes at Gattaran dahil sa pangamba ng mga landslides at pagbaha

Samantala, nakahanda na ang mahigit 150 na pulis na ide-deploy sa mga lugar na posibleng maaapektuhan ng bagyo.