Nagpaalala ang Civil Service Commission Region 2 sa mga government employees na bawal sa kanila ang mangampanya para sa isang kandidato dahil sa utang na loob

Bukod dito, sinabi ni Nerissa Tanguilan na bawal din sa mga ito na makialam sa bilangan ng mga boto

Iginiit din ni Tanguilan na bawal din sa mga ito na mangampanya kahit na nakabakasyon sa trabaho

Bawal din na mag-endorso ng mga kandidato at maglagay ng campaign materials sa kanilang mga bahay ng isang kandidato

Binigyan diin ni Tanguilan na may ethical standards na sinusunod para sa mga government employees sa panahon ng halalan

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi ni Tanguilan na dapat na maging maingat ang mga government employees upang maiwasan na maakusahan na gumagawa ng electioneering