Magreresulta lamang sa daily wage hike na P24 ang apat na taon na tranche ng salary increase para sa mga kawani ng pamahalaan na ang unang yugto ay magsisimula ngayong taon.

Ayon sa The Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), Alliance of Concerned Teachers and Alliance of Healthcare Workers na ang pagkakaroon ng sapat na sahod ay natural at karapatan ng bawat mamamayang Filipino.

Idinagdag pa ng mga ito na ang konserbatibong komputasyon sa sapat at karapat-dapat na daily increase ay dapat na P1,200 per day.

Batay sa kanilang komputasyon, ang unang yugto na salay increase ay may katumbas na karagdagang P530 bawat buwan para sa salary grade 1 Step 1 workers.

Kung hahatiin ito sa 22 working days, ito ay katumbas ng daily increase na P24 lamang, na hindi sapat para sa isang kilo ng bigas.

-- ADVERTISEMENT --