Muling maglalaan ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ng P100,000 sa bawat barangay sa Tuguegarao City.
Ito ang inihayag ni Governor Manuel Mamba bilang tulong ng probinsiya sa pagtatayo ng operational na isolation facility sa mga barangay sa lungsod.
Sa pamamagitan aniya ng mga ipatatayong facilities ay umaasa ang gubernador na mapababa pa lalo ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Dagdag pa ni Mamba na maaari ring gamitin ng mga barangay ang mga paaralan lalo na sa mga asymptomatic cases.
Maaari rin namang hati-hatiin ng dalawa hanggang apat na barangay ang mga malalaking paaralan bilang isang operational na isolation.
-- ADVERTISEMENT --