Dead on arrival ang isang grade 6 pupil matapos malunod sa bayan ng Sta.Teresita, Cagayan.

Kinilala ni PSMSG James Allan Recolizado imbestigador ng PNP Sta.Teresita ang bitkima na si Alyas Jong, 11 anyos at residente sa Brgy.Villa.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkayayaan umano ang biktima at ng kanyang dalawang kasama na mamingwit sa irigasyon sa nasabing barangay.

Pagdating aniya sa lugar ay naghanap ang dalawang kasama ng biktima ng linta na gagamitin sana sa kanilang pamimingwit habang naiwan naman si Jong sa irigasyon ngunit makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ang dalawa at dito na nakita ang biktima na lumulutang sa tubig.

Pagkatapos aniyang makita ang biktima ay agad itong ipinagbigay alam sa kanilang kagawad na kasalukuyang nakaduty para humingi ng tulong.

-- ADVERTISEMENT --

Agad nirescue at isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umasikasong doctor.

Napag alaman na bago pa man ang nangyaring insidente ay inaatake na ng sakit na epilepsy ang biktima kung saan nasa 300 metro ang layo ng irigasyon mula sa kanilang bahay.

Wala namang nakikitang foul play sa nasabing insidente..