TUGUEGARAO CITY-Patay ang isang grade 9 student dahil sa pagkalunod nang magtungo sa Pinacanauan river sa Peñablanca para sa isang school project.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima na si Jademark Tumaliuan, 15-anyos at residente sa Barangay Camasi.

Ayon kay P/Lt. Tito Ayson, deputy Chief of Police ng PNP-Peñablanca, nagtungo sa ilog ang biktima kasama ang mga kagrupo para sa film project na may titulong “Anak ng Pasig” nang aksidenteng mahulog sa tubig ang tsinelas ng isa sa mga miyembro.

Dito na umano lumusong ang biktima upang kunin ang naturang tsinelas subalit hindi na nakaahon pa.

Sinabi ni Ayson na medyo malalim ang bahagi ng ilog na malapit sa Josefa Bridge kung saan pumunta ang biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na hindi marunong lumangoy ang biktima.