Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng naitalang grassfire sa bayan ng Solana, Cagayan.

Ayon kay SFO1 Rex Agpalasin ng BFP Solana, nagsimula ang insidente ng grassfire sa Brgy. Lannig na umabot hanggang sa Brgy. General Balao.

Tinatayang nasa mahigit 20 hectares ang lawak ng pinsala ng sunog at bagamat walang istrukturang nadamay ay nasunog naman ang isang kubo na nasa gitna ng bundok at poste ng Cagelco na nagdulot ng emergency power interruption o pagkawala ng kuryente sa Western Solana at bahagi ng Amulung West.

Aniya bandang 10 am ng itawag sa kanila ang nasabing insidente kung saan patuloy na nakastandby ang bfp truck sa lugar upang maiwasan ang muling pagsiklab ng sunog lalo na at mainit ang panahon.

Kasabay nito pinapaalaalahanan ang publiko na iwasan ang pagsunog ng mga basura upang maiwasang kumalat ang apoy.

-- ADVERTISEMENT --