
Lumagda ang ride-hailing platform na Green GSM sa mga memorandum of understanding (MOU) at deposit agreements kasama ang 75 transport companies at cooperatives para sa deployment ng hanggang 18,497 VinFast electric vehicles (EVs) sa Pilipinas.
Ayon sa Green GSM, bahagi ito ng susunod na yugto ng kanilang fleet expansion sa bansa na nakatuon sa mas sustainable na sistema ng transportasyon.
Saklaw ng kasunduan ang iba’t ibang urban centers at probinsya kabilang ang Metro Manila, Cavite, Pampanga, Batangas, at Baguio na may mataas na pangangailangan sa mobility.
Layunin ng inisyatiba na palawakin pa ang paggamit ng electric vehicles sa pampublikong transportasyon sa bansa.






