Isang groom sa Zamboanga del Sur ang nakaranas ng amnesia, isang araw pagkatapos ng kanyang kasal at nakalimutan na ang kanyang asawa at dalawang anak.

Nahaharap ngayon sa pagsubok sina Jan at Loaren Campaner dahil sa nasabing pangyayari.

Naging masaya ang kasal na puno ng pagmamahalan at selebrasyon na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at mga kaibigan.

Subalit, sandali lang ang kaligayan dahil sa nawala sa alaala ni Jan ang mga kaganapan sa kanilang kasal at ang kanyang buhay kasama si Loaren, isang araw pagkatapos ng kanilang kasal.

Desidido si Loaren na matulungan si Jan at lagi niyang ipinapaala sa kanya ang kanilang kasal, ipinapakita niya ang kanyang wedding gown at iba pang bagay sa kanilang espesyal na araw.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila ng pagsisikap na ito, hindi pa rin maalala ni Jan ang kanilang kasal o ang kanilang dalawang anak.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Jan at sinabi niya wala siyang maalala na pinakasalan niya si Loaren o ang pagkakaroon nila ng mga anak.

Batay sa pagsusuri ng medical expert, nakakaranas umano si Jan ng traumatic brain injury na nagresulta sa retograde amnesia.

Dahil dito, wala siyang maalala sa kanyang nakaraan, kabilang ang kanilang bagong kasal.

Bukod dito, nakakaranas din umano si Jan ng depression kaya hirap siya na maibalik ang kanyang alaala.

Ibinahagi ni Loaren pagkatapos ng kasal na masama ang loob ni Jan sa isang hindi pagkakaunawaan sa kanyang pamilya.

Sinaktan umano ni Jan ang kanyang sarili nang iuntog niya ang kanyang ulo sa sahig, na dahilan ng kanyang amnesia.

Ayaw ng mga magulang ni Jan kay Loaren dahil sa kanyang mga naunang relasyon.

Sa kabila nito, laging ipinapakita ni Loaren ang kanilang larawan sa kasal, ang kanilang wedding rings at ipinapaalala sa kanyang ang kanilang masayang kasal.