Posibleng magdulot ng pagbawas ng 18% sa gross domestic product (GDP) ng Pilipinas pagsapit ng 2070 ang climate change dahil sa ilalim ng mataas na senaryo ng greenhouse gas emissions ayon sa Asian Development Bank (ADB).

Ipinakita sa ulat na ang mga pagkalugi sa ekonomiya ng Pilipinas dulot ng pagbabago ng klima ay maaaring tumaas at umabot sa 40 porsyento pagsapit ng 2100.

Sa buong Asia-Pacific, sinabi ng ADB na ang pagbabago ng klima sa ilalim ng mataas na senaryo ng emissions ay maaaring magdulot ng 17 porsyentong pagbawas sa GDP pagsapit ng 2070.

Kabilang sa mga sektor ay inaasahang ang agrikultura ang magiging pinaka-direktang apektado.

Sa Pilipinas, 90 porsyento ng mga respondent ang nagsabing nakikita nila ang pagbabago ng klima bilang isang seryosong suliranin at 86 porsyento ang nakakaramdam na ng mga epekto nito o inaasahang maapektuhan sa loob ng susunod na 10 taon.

-- ADVERTISEMENT --

Habang 70 porsyento ng mga tao sa Pilipinas ang nagsabing ang gobyerno ay kumikilos na upang bawasan ang pagbabago ng klima, 59 porsyento ang nakakakita ng pangangailangan para sa mga pamumuhunan sa mababang-emisyon at matatag na imprastruktura.

Ipinakita rin ng survey na 45 porsyento ng mga respondent sa Pilipinas ang sumusuporta sa isang carbon tax at 43 porsyento ang pabor sa mga batas at regulasyon na naglilimita sa emissions.