TUGUEGARAO CITY-Minamanmaman na ng PNP ang isang grupo na responsable umano sa mga nakawan at carnapping sa ilang bahagi ng Cagayan.
Sinabi ni Police Captain Junjun Balisi, hepe ng PNP Solana na tukoy na nila ang nasabing grupo bagamat tumanggi na munang pangalanan ang limang miembro ng grupo.
Ayon kay Balisi,sinampahan na rin ng kaso ang grupo para makakuha ng warrant of arrest sa korte.
Idinagdag pa ni Balisi na ang nasabing grupo ay sangkot sa akyat-bahay,robbery hold-up,carnapping at iba hindi lamang sa Solana kundi sa iba pang kalapit na mga bayan maging dito sa lungsod ng Tuguegarao.
Sinabi pa ni Balisi na ang grupo ang suspek sa panloloob sa isang bahay sa Maddarulug noong June 3,2019 kung saan tinangay nila ang P700,000 na halaga ng relo,mga mamahaling cellphone at cash na P30,000 at maging sa isang bahay sa Padul noong June 9,2019 at tinangay ang nasa P250,000 cash.
Nabatid din kay Balisi na ang isa sa miembro ng grupo na si Joel Soriano sa shootout matapos na masabat gamit ang nakaw na motorsiklo.