Tuguegarao City- Nakatakdang magdaos ng malawakang rally ang grupo ng Bantay Bigas katuwang ang iba’t-ibang sektor ng mga magsasaka bilang paggunita sa anibersaryo ng pagsasabatas sa rice tariffication law.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cathy Estavillo ng Bantay Bigas, dahil sa pagsulong sa naturang batas ay maraming magsasaka ang nalulugi at naaapektuhan ang kabuhayan dahil sa sobrang baba ng presyo ng palay.

Sinabi nito na ang gagawing rally ay upang ipakita na walang batayan ang pagpapatuloy ng batas dahil sa tindi ng epekto nito sa mga magsasaka.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito ay nananatili rin aniyang mataas pa rin ang presyo ng bigas sa palengke na nakakaapekto sa mga consumers.

Panawagan naman ni Estabillo sa lahat ng mga magsasaka na suportahan ang kanilang ginagawang campaign signature bilang bahagi sa pagtutol sa hindi magandang epekto ng batas sa mga ito.

Samantala, nakatakdang isagawa ang simultaneous rally sa Pebrero 14 ngayong taon.