Nakiisa sa online Black Friday Protest ang grupo ng mga kabataan upang kondenahin ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) sa pagpapatigil ng operasyon ng ABS-CBN matapos mapaso ang prangkisa nito noong Lunes, Mayo 4.

Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago na malinaw na panggigipit ito sa malayang pamamahayag sa gitna ng nararanasang krisis pangkalusugan.

Kasabay ng umiiral na community quarantine ay idadaan sa sa social media ang pangangalampag sa gobyerno na sinimulan kaninang alas 5:00 ng hapon hanggang hatinggabi.

Panawagan ng grupo sa Kongreso na dinggin na agad ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN na matagal nang nakabinbin.

Ilan sa magiging aktibidad online ay ang pagkakaroon ng isang programa, pagpapatunog ng bell, pagsisindi ng kandila, at sa timeslot ng TV Patrol ay ang pagtabi nila sa telebsiyon upang ipakita ang static o blank screen habang hawak ang placards.

-- ADVERTISEMENT --