Nanawagan ang mga estudyante mula sa pinakamalalaking unibersidad sa bansa na punuin ang Luneta sa September 21 bilang protesta laban sa korapsyon at nepotism kaugnay ng isyu sa flood control projects.

Pangungunahan ng Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance, Panatang Luntian Coalition, at ilang student councils ang pagtitipon.

Ayon kay UP Student Regent Dexter Clemente, layunin nilang panagutin ang mga pulitiko at kontratista na nagnanakaw sa kaban ng bayan.

Ayon naman kay DLSU Prof. David Michael San Juan ng ‘TAMA NA’, bukas ang rally para sa lahat laban sa korapsyon, at nilinaw na naganap ang anomalya sa parehong administrasyon nina Duterte at Marcos.

Suportado rin ng mga lider ng simbahan, beterano ng anti-dictatorship at anti-corruption campaign ang nasabing protesta.

-- ADVERTISEMENT --