Kaisa ang grupong Ban Toxics sa mga panawagan sa mga kandidato na isulong ang pagiging makakalikasan ngayong panahon ng pangangampanya.
Sinabi ni Thony Dizon, campaigner ng nasabing grupo na sana ay iwasan ng mga kandidato ang paggamit ng mga campaign materials na gawa sa mga plastik kabilang ang mga tarpaulin dahil sa taglay ng mga ito na nakakalasong kemikal lalo na kung nasusunog.
Bukod dito, makakadagdag ang mga non-recyclable at hindi eco-friendly campaign materials sa problema sa basura.
Sinabi ni Dizon na nitong nakalipas na eleksion ay umabot sa mahigit 250 tonelada ng basura ang nakolekta na campaign materials sa Metro Manila lamang.
Ayon kay Dizon, may mga paraan para makapangampanya na hindi na hindi kailangan na maaapektohan ang ating kalikasan.