TUGEUGARAO CITY-Nanawagan ang grupong Karapatan na buwagin na ang itinatag na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Kristina Palabay, Secretary General ng Karapatan, hindi solusyon ang naturang hakbang sa pagkamit ng kapayapaan at katahimikan sa bansa.

Aniya, simula nang binuo ang naturang task force ay tumaas ang bilang ng paglabag sa karapatan pantao maging ang mga karahasan.

Sinabi ni palabay na batay sa tala ng karapatan mahigit 50 ang naitalang pamamaslang habang marami ang biktima ng pananakot at pagbabanta sa mga katulad niyang human rights defenders.

Ginagamit din umano ang binuong task force para sa red tagging at pagkakaso sa mga nagsusulong sa mga karapatang pantao gaya ng ginawa sa mga miembro sa mga progresibog grupo.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Palabay na nakasalalay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuwag sa naturang task force at mas mainam pa rin ang peace negotiation para makamit ang kaayusan sa bansa.