Inilabas na ng Department of Education (DepEd) ang guidelines sa pagsasagawa ng mga aktibidad para sa Academic Year 2024-2025.

Sa ilalim ng Department Order 009 series of 2024, magbubukas ang school year sa July 29, 2024 at magtatapos sa Abril 15, 2025.

Ang pangunahing learning delivery modality (LDM) ang in-person learning.

Itinakda rin ng DepEd ang Brigada Eskwela sa July 22 hanggang 27, 2024, habang ang magsasagawa naman ang ahensya ng Oplan Balik Eskwela sa July 22 hanggang August 2, 2024.