Pinuri ng National Security Council ang guilty na hatol ng korte sa Tagum City, Daval del Norte kina ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, at dating Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo at 11 isang iba pa sa kasong child abuse.
Sinabi ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año na patunay lamang ito na “no one is above the law.”
Ayon pa kay Año, ipinapakita lamang ng desisyon ng korte ang commitment ng hudikatura na itaguyod ang “rule of law.”
Ito ay may kaugnayan sa umano’y paglalagay sa panganib sa ilang menor de edad noong 2018.
Malinaw aniya na pinasinungalingan ng desisyon ang pahayag ng mga akusado na “rescue mission” ang kanilang ginawa sa iligal na pagkuha at pagbiyahe sa mga menor de edad sa Talaingod, Davao del Norte noong 2018.
Sinabi ni Año na ang desisyon ay malaking hakbang upang mapangalagaan ang mga katutubo at menor de edad.